Loading...
High score: 0
Filipino K2

Great Job!


Your score: 0
Total number of items: 6
Average: 0%
Review Answers
A. Basahin ang pabula tungkol sa langgam at sa tipaklong.
PLAY

Si Langgam at si Tipaklong


Mataas ang sikat ng araw.
Si Langgam ay masipag na nag-iipon ng pagkain.
Si Tipaklong naman ay masayang umaawit habang naglalaro.
“Kaibigang Langgam, halika, maglaro tayo,” sabi ni Tipaklong.
“Pasensiya na, kaibigang Tipaklong.
Kailangan kong mag-ipon ng pagkain para sa tag-ulan,” sagot ni Langgam.
“Malayo pa naman ang tag-ulan. Tingnan mo, mataas pa ang sikat ng araw,” sagot ni Tipaklong.
Pilit na niyayaya ni Tipaklong si Langgam ngunit patuloy lamang ito sa pag-iipon ng pagkain.


Dumating ang tag-ulan at bumaha. Nasira ang halos lahat ng pananim.
Sagana sa pagkain ang bahay ni Langgam. Si Tipaklong naman ay nanginginig sa ginaw at gutom.
“Gutom na gutom na ako. Saan kaya ako makakukuha ng pagkain?” sabi ni Tipaklong.
“Pupunta na lang ako kay kaibigang Langgam!”


Basang-basa at nanginginig sa lamig na pumunta si Tipaklong sa bahay ni Langgam.
“Kaibigang Langgam, kaibigang Langgam!” tawag ni Tipaklong.
Agad-agad na binuksan ni Langgam ang pintuan nang marinig niya ang pagtawag ni Tipaklong.


“Kaibigang Langgam, ako ay gutom na gutom. Wala akong naipong pagkain. Maaari bang makahingi sa iyo ng kahit kaunting makakain?” pakiusap ni Tipaklong.
“Oo naman, kaibigang Tipaklong. Halika, tumuloy ka sa bahay ko. May naipon naman akong pagkain na maaari nating pagsaluhan,” ang sabi ni Langgam.
“Salamat sa iyo, kaibigang Langgam. Mula ngayon ay mag-iipon na ako ng pagkain. Magiging masipag na rin ako katulad mo,” pangako ni Tipaklong.
Mula noon ay natuto na si Tipaklong na mag-ipon ng pagkain kahit tag-araw pa lamang


B. Sagutin ang bawat tanong tungkol sa pabula. Piliin ang tamang sagot.
1. Sino ang masayang umaawit habang naglalaro?
Si Langgam.
Si Tipaklong.
Si Langgam at si Tipaklong.
2. Sino ang nag-iipon ng pagkain?
Si Langgam.
Si Tipaklong.
Si Langgam at si Tipaklong.
3. Bakit siya nag-iipon ng pagkain?
Dahil siya ay nagugutom.
Para sa tag-ulan.
Para makapaglaro.
4. Napilit ba ni Tipaklong si Langgam na makipaglaro sa kaniya?
Hindi po.
Opo.
Hindi ko po alam.
5. Ano ang nangyari kay Tipaklong nang dumating ang tag-ulan?
Siya ay nanginig sa ginaw at gutom.
Siya ay natuwa.
Siya ay naglaro sa ulan.
6. Ano ang ginawa ni Langgam kay Tipaklong nang magpunta ito sa kaniyang bahay?
Pinaalis ni Langgam si Tipaklong.
Pinatuloy ni Langgam si Tipaklong sa kaniyang bahay at pinakain.
Pinag-ipon ng pagkain ni Langgam si Tipaklong.