Loading...
High score: 0
Filipino K2

Great Job!


Your score: 0
Total number of items: 3
Average: 0%
Review Answers
A. Basahin ang alamat ng pinya upang malaman kung ano ang pinanggalingan nito.
PLAY

Ang Alamat ng Pinya


Sa isang malayong lugar ay may nakatirang mag-ina. Sila ay sina Aling Maria at ang anak niyang si Pina. Kaisa-isang anak ni Aling Maria si Pina. Hindi niya ito pinagagawa o pinatutulong sa mga gawaing-bahay.

Walang ibang ginagawa si Pina kundi ang kumain, maglaro, maligo, magbihis, at matulog. Lumaki si Pina na walang alam na gawain. Hindi rin siya mautusan ng kaniyang ina.

Isang araw, nagkasakit si Aling Maria. Inutusan niya si Pina na ipagluto siya ng lugaw. Hindi marunong magluto si Pina kaya sunog ang lugaw na inihain niya sa kaniyang ina. Natuwa na rin si Aling Maria dahil naipagluto siya ng anak.

Nang tumagal ang sakit ni Aling Maria, nagsimulang magreklamo si Pina. “Pagod na pagod na ako, Ina. Kailan ba kayo gagaling?” sabi ni Pina.

Napadalas ang pagrereklamo ni Pina. Kapag mayroon siyang hindi nahahanap na gamit, palagi niyang tinatanong ang kaniyang ina.

Isang araw, nang maghahain na si Pina ng agahan, hindi niya makita ang sandok. “Ina, nasaan ang sandok natin?” tanong ni Pina kay Aling Maria.


“Hanapin mo, naririyan lamang iyan,” ang sagot ni Aling Maria.

“Kanina pa nga ako hanap nang hanap! Talagang hindi ko makita!” sabi ni Pina.

“Sana magkaroon ka ng maraming mata nang makita mo ang hinahanap mo!” sabi ni Aling Maria.

Narinig ni Aling Maria na bumaba ng bahay si Pina. Inisip niya na marahil ay hahanapin nito ang sandok sa silong at baka nga naman doon iyon nahulog.

Hindi na bumalik si Pina. Nang magaling na si Aling Maria, hinanap niya ang kaniyang anak ngunit hindi niya ito nakita.

Isang araw, napansin ni Aling Maria ang isang halamang tumubo sa kanilang bakuran. Araw-araw ay dinidiligan niya ito. Hindi nagtagal ay namunga ito. Napansin ni Aling Maria na ang bunga nito ay hugis ulo at ito ay maraming tila mga mata. Noon niya naalaala ang sinabi niya sa kaniyang anak na sana ay magkaroon ito ng maraming mata.

Umiyak si Aling Maria na may halong pagsisisi. Kaya naman, inalagaan niya nang mabuti ang halamang iyon.

Ang halaman at ang bunga nito ay tinawag na pinya. Ang pinya ay mula sa pangalan ng anak ni Aling Maria na si Pina.


B. Click the words with the short /a/ sound.
  1. It was a sunny Saturday morning. Pam and her brother, Dan, woke up early. They will help their parents do the house chores after breakfast.

  2. "Dad, I will help you clean the garden today," said Dan.

  3. "And I will help you clean the house, Mom," Pam added.

  4. "Thank you, Dan and Pam," replied Dad. "Now, let us start working."

  5. So Dan went to the garden with his Dad. They pulled out the weeds in the cabbage patch, swept the dried leaves off the ground, and watered all the plants. Dad also mowed the lawn.

  6. When they went back inside the house, Mom and Pam had already finished cleaning the house. They had already set the table for their snacks. "Wow! There are ice cream, sandwiches with jam, and juice!" Dan exclaimed. "We want to thank you, Pam and Dan, for being helpful and caring to me and your Dad. These are your rewards," Mom said with a smile. And they all sat around the table. What a happy family.

B. Select the correct answer.
1. Bakit hindi pinagagawa o pinatutulong ni Aling Maria sa mga gawaing-bahay si Pina?
Dahil siya ang kaisa-isang anak ni Aling Maria.
Dahil wala siyang alam na gawain.
Dahil siya ay may kapansanan.
2. Magalang bang makipag-usap si Pina sa kaniyang ina?
Opo.
Hindi po.
Hindi ko po alam.
3. Ano ang nangyari kay Pina sa katapusan ng alamat?
Si Pina ay umalis sa kanilang bahay.
Si Pina ay naging bunga ng pinya.
Si Pina ay tumanda.